Handa ang transgernder woman na si Gretchen Diez na subukan ang kanyang kapalaran sa pulitika.
Iyun ay para maisulong niya ang karapatan ng LGBTQ+ community sa bansa.
“Siguro wala naman pong masama na ang isang transgender na katulad ko ay mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng boses lalo na po sa ating pamahalaan,” paliwanag ni Diez.
Isa sa kanyang isusulong sakaling palarin sa pulitika ay ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) law.
Ipinaliwanag pa ng nasabing transgender woman na mula pagkabata ay biktima na siya nng diskriminasyon at ayaw umano niya itong maranasan lalo na ng mga bakla at tomboy.
Naging laman ng mga balita si Diez makaraan siyang posasan at dalhin sa himpilan ng pulisya makaraan niyang ipagpilitan na umihi sa comfort room ng mga babae sa Farmer’s Mall sa Cubao sa Quezon City.
Kaagad ring naglabas ng public apology ang pamunuan ng mall sa ginawang pag-aresto sa transgender woman na si Diez.