Magpapatupad ng bahagyang oil price rollback sa susunod na linggo ang mga kumpanya ng petrolyo.
Ito ay base sa pahayag ng ilang oil industry sources dahil sa pagsigla ng halaga ng Piso laban sa US Dollar sa pagsasara ng trading kahapon araw ng Biyernes.
Inaasahang maglalaro sa P0.10 hanggang P0.15 kada litro ang tapyas sa presyo ng diesel samantalang P0.20 hanggang P0.25 sa bawat litro ng gasoline.
Asahan na rin ang pagbaba ng P0.20 kada litro sa presyo ng kerosene o gaas ayon pa sa ilang energy sources.
Sa Martes ng umaga epektibo ang tapyas presyo sa produktong petrolyo.
Mula noong Enero ay umabot na sa halos at P5 bawat litro ang naging dagdag sa presyo ng gasoline samantalang nasa P4 naman ang sa halaga ng diesel.
MOST READ
LATEST STORIES