M3.0 na lindol naitala sa Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Occidental Mindoro alas-2:20 Sabado ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 12 kilometro Timog-Silangan ng Paluan.

May lalim ang pagyanig na pitong kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...