Gilas Pilipinas tinalo ang Adelaide 36ers sa Fiba tune-up game

Tristan Tamayo, INQUIRER.net

Nagpakitang-gilas agad ang Pilipinas sa tune-up game pa lamang para sa 2019 Fiba Basketball World Cup matapos talunin ang Adelaide 36ers sa Meralco Gym araw ng Biyernes na nagtapos sa score na 92-83.

Gumawa ang Gilas ng 13-2 run kabilang ang dunk ni Japeth Aguilar habang papatapos ang laban.

Nanguna ang naturalized Filipino player na si Andray Blatche sa scoring sa ginawa nitong 19 points, 18 rebounds at 9 assists habang nagdagdag si Aguilar ng 17 points, 4 rebounds at 3 blocks.

Ang iba pang Gilas players na sin CJ Perez ay nagtala ng 12 points habang tig 10 puntos ang ginawa nina Paul Lee at Roger Pogoy.

Sa isa pang tune-up game sa Linggo ay maglalaro na si Kiefer Ravena matapos ang ban nito sa Fiba.

 

Read more...