2 sundalo patay, 1 sugatan sa engkwentro sa Samar

Patay ang dalawang sundalo habang sugatan ang isa pa sa sumiklab na bakbakab sa probinsya ng Samar araw ng Biyernes.

Nagka-engkwentro ang 43rd Infantry Battalion at ilang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Olera sa Calbayog City bandang 7:00 ng umaga.

Binigyan na ng lunas ang sugatang si Cpl. Eric Portalio sa ospital ng Philippine Army.

Samantala, dinala na ang mga labi nina Lt. Geroe Jade Nicor at Cpl. Joelito Canico sa Camp Vicente Lukban.

Narekober naman sa pinangyarihan ng bakbakan ang ilang M-14 rifle na ginamit ng rebeldeng grupo.

Read more...