Nanawagan si Senator Nancy Binay sa Bureau of Corrections (BuCor) na maging maingat sa pag-compute sa Good Conduct Time Allowances (GCTA) ng mga preso.
Ayon kay Binay, kailangang suriin ang proseso sa pagbibigay ng GCTA bunsod ng posibilidad na mali ang naging interpretasyon sa mga manual ng BuCor, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at provincial jails.
Diin ng senadora, ang simpleng mali sa pagbibilang ay maaring magdulot ng kakulangan ng hustisya at maging daan ito sa pagkakalaya ng kriminal.
Sinabi pa ni Binay na malabo ang depinisyon ng ‘good behavior’ na ginagamit na basehan sa GCTA.
Dapat din aniyang malathala sa mga pahayagan o sa online ang pangalan ng mga preso na maaring maagang mapalaya para malaman ng pamilya ng kanilang mga biktima.