Asahan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Pampanga, Bulacan, Batangas at Rizal.
Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 1:40 ng hapon, ito ay bunsod pa rin ng southwest monsoon o hanging habagat.
Iiral naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan at Cavite.
Inabisuhan ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Office na manatiling nakatutok sa kanilang pinakahuling update ukol sa lagay ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES