Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 500 kilometers east northeast ng Tuguegarao City, Cagayan o 510 kilometers east ng Calayan, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.
Ang bagyo ay naghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa:
Batanes
Cagayan
Babuyan Islands
Ilocos Norte
at Apayao
Habang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan naman sa:
Zambales
Bataan
Metro Manila
Cavite
Batangas
Mindoro Provinces
northern portions ng Palawan
Calamian at Cuyo Islands
Aklan
Antique
nalalabing bahagi ng Ilocos Region
Cordillera Administrative Region
at Cagayan Valley
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes.
Habang signal number 1 naman sa Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.
Bukas ng gabi ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.