Bilateral meeting ni Pangulong Duterte kay Pres. Xi Jinping tuloy – Malakanyang

Tuloy ang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay Chief of Presidential Protocol Robert Borje magaganap ito sa ikalimang China visit ng pangulo sa China.

Sinabi ni Borje na matutuloy din ang una nang sinabi ng pangulo na babanggitin niya kay Xi ang The Hague ruling kaugnay sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Assistant Sec. Meynardo Montealegre na kabilang din sa tatalakayin ng dalawang lider ang mga kasunduan na may kaugnayan sa edukasyon, science and technology, ekonomiya at social development.

Ang magaganap na bilateral meeting nina Duterte at Xi ang magiging ikawalong bilateral meeting na ng dalawang lider.

Samantala, patuloy namang inaayos ng Malakanyang ang schedule upang magkaroon ng pagkakataon ang pangulo na makipagkita sa Gilas players sa China na naghahanda para sa World Cup.

Read more...