5th China visit ni Pangulong Duterte magaganap sa Aug. 28 – Sept 1 ayon sa DFA

Pinaiksi ang araw ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Mula sa orihinal na 8 araw ay 4 araw na lamang tatagal ang ikalimang China visit ng pangulo.

Sa inilabas na petsa ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Sec. Meynardo Montealegre, aalis sa bansa si Pangulong Duterte sa August 28 patungong China at hanggang Sept. 1 ang kaniyang pagbisita doon.

Sinabi ng DFA na hindi na bibisita si Pangulong Duterte sa Fujian province.

Sa orihinal na plano, dapat ay pasisinayaan ng pangulo ang isang paaralan sa Fujian.

Ang paaralan ay ipinangalan sa ina ng Pangulo na si Soledad bilang pagkilala dito.

Ayon kay Chief of Presidential Protocol Robert Borje, ililipat na lang sa ibang petsa ang pagpunta ng pangulo sa Fujian.

Read more...