U.S. Embassy sa Maynila sarado sa Lunes, Aug. 26

Nagpa-abiso na sa publiko ang U.S. Embassy na sarado ang kanilang tanggapan sa Roxas Boulevard sa Maynila sa Lunes, Aug. 26.

Sa abiso ng embahada walang tatanggaping transaksyon sa U.S. Embassy sa Maynila at iba pa nilang affiliated offices sa nasabing petsa.

Ito ay dahil sa deklaradong regular holiday sa Pilipinas ang Aug. 26 na National Heroes Day.

Magre-resume naman ang regular na serbisyo ng embahada sa Martes, Aug. 27.

Read more...