Pulis patay makaraang tambangan sa Taguig

Patay sa pananambang ang isang pulis sa Taguig City.

Nakilala ang nasawi na si Patrolman Ralph Aquino, 31 anyos at nakadestino sa Taguig Police Community Precinct 8.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, isang hindi pa nakilalang lalaki ang bumaril kay Aquino alas 10:00 ng gabi ng Huwebes (Aug. 22) sa Barangay Bagumbayan.

Dead on the spot si Aquino.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...