Mababang utilization rate sa Marawi rehab inalmahan ng ilang kongresista

Radyo Inquirer File Photo
Naalarma ang ilang kongresista sa mababang utilization rate para sa Marawi rehabilitation.

Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations, mayroong inaprubahan na P10 billion sa 2018 at P3.5 billion ngayong 2019 para sa Marawi rehab.

Nasa P3.5 billion ulit ang pondong inilaan para sa Task Force Bangon Marawi kung saan kabuuang P17 billion na ang naging alokasyon dito ng gobyerno.

Pero inamin ni Budget Acting Secretary Wendel Avisado na mas mababa pa sa 10% ang nagagamit na pondo para sa pagbangon ng mga taga Marawi.

Dahil dito, nagbanta si Lanao del Norte Rep. Abdullah Dimaporo na kukwestyunin ang mababang utilization rate o paggamit sa pondo ng Marawi rehab sa kabila ng malaking pondo na inilaan dito.

Read more...