103 ang sugatan sa Thanksgiving Procession ng Itim na Nazareno

black nazarene procession
Kuha ni Alvin Barcelona

Umabot sa isandaan at tatlo katao ang nasugatan habang isinasagawa ang thanksgiving procession ng Black Nazarene sa sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Chief Johnny Yu, hindi naman malubha ang natamong sugat ng mga ito at nalapatan agad ito ng kaukulang lunas.

Ayon pa kay Yu, dalawang deboto naman ang nakaranas ng paninikip ng dibdib na agad naman nabigyan ng medical assistance.

Ang Thanksgiving procession ay dapat nag-umpisa kaninang 4:00 ng madaling ngunit naantala ito dahil sa dami ng mga debotong nagpupumilit na makalapit sa replica ng Black Nazarene.

Inabot ng pitong oras ang naturang prusisyon at naibaik sa simbahan ang replica sa ganap na 12:07 ng tanghali.

Samantala, kinumpirma ng hepe ng Plaza Miranda Police na si Chief Insp. John Guiagui na naging mapayapa sa pangkalahatan ang prusisyon ng Black Nazarene.

Read more...