Hanggang alas 7 ng gabi lang ang last trip ng LRT

lrt 30Maagang ititigil ang operasyon ng Light Rail Transit lines 1 at 2 ngayon araw.

Sa ipinalabas na abiso ng LRT Authority, ang huling Northbound train ng LRT 1 ay aalis ng Baclaran station sa Parañaque City ng 6:30 ng gabi sa halip na 9:00 ng gabi.

Ang last trip naman ng Southbound mula sa Roosevelt station sa Quezon City ay aalis ng 7:00 ng gabi sa halip na 9:30 ng gabi.

Samantala ang last Westbound trip ng LRT 2 mula Santolan patungong Recto ay 7:00 ng gabi at ang last Eastbound trip patungo sa Santolan ay 7:30 ng gabi sa halip na 10:00 ng gabi.

Read more...