Ayon kay Kim You-geun, deputy director ng Blue House National Security Office, ang nasabing hakbang ay matapos magpasya ang Japan na alisin ang South Korea sa listahan ng “trusted trading partners”.
Ikinalungkot naman ng Japan ang naturang pasya ng Seoul.
Ipinatawag na ni Japanese Foreign Minister Taro Kano ang South Korean ambassador para iprotesta ang hakbang.
Ayon kay Kano hindi dapat pagsamahin ang trade at security issues.
Umaasa naman ang US na maisasaayos ang sigalot sa pagitan ng dalawang bansa.
READ NEXT
Bagyong Ineng lalo pang lumakas isa nang severe tropical storm; tropical cyclone wind signal nakataas sa 7 lugar sa bansa
MOST READ
LATEST STORIES