Huling namataan ang bagyo sa layong 580 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest.
Itinaas ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes habang signal number 1 naman sa Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.
Ngayong araw ang bagyo ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malalakas na buhos ng ulan sa Batanes, Cagayan, Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte at Apayao.
Mahina hanggang katamtaman na pag-ulan naman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Central Luzon, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, northern portions ng Palawan, Calamian at Cuyo Islands, nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Hindi pa rin inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo at lalabas ito ng bansa bukas ng gabi o sa Linggo ng umaga.