Sa pahayag ng IBP araw ng Huwebes, sinabi nito na binuo ang GCTA nang may magandang layon: ang mareporma ang mga lumabag sa batas at mapaluwag ang mga bilangguan.
Gayunman, suportado ng IBP ang panawagan ng publiko para sa mas masusi at malalim na pag-aaral sa kaso ng mga bilanggo na nakagawa ng karumal-dumal na krimen.
Payo ng IBP sa DOJ, gawing ‘transparent’ ang pagsusuri ng ‘good conduct’ at pagbibilang sa pamamalagi sa kulungan ng mga preso.
“We suggest that the basis for and evaluation of ‘good conduct’ and the computation of shortened imprisonment be made more transparent,” ayon sa IBP.
Welcome sa IBP ang pag-upload ng ginawang mga ebalwasyon sa websites ng DOJ at ng penal institutions maging ang pagpapaalam nito sa mga ginawan ng krimen at kanilang mga pamilya nang mas maaga.
Ang pahayag ng IBP ay matapos ang kaliwa’t kanang batikos sa napipintong paglaya ng rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.