Gilas women abante sa Fiba 3×3 U18 quarterfinals

fiba.basketball photo

Nagtapos ang Gilas women’s team sa 1-1 sa group stage ng Fiba 3×3 Under-18 Asia Cup sa Malaysia.

Dahil dito ay abante na ang Gilas women sa quarterfinals.

Unang tinalo ng koponan ang Malaysia sa score na 19-8 pero tinalo ito ng China sa score na 16-14 sa pool A.

Si Camille Izabel Carin ang nanguna sa Gilas women matapos itong gumawa ng 9 na puntos sa laban sa Malaysia at nagdagdag ito ng 4 points kontra China.

Sunod na makakalaban ng Gilas ang nangungunang mga team sa Pool 6.

Makakasagupa ng Gilas sa playoffs ang Mongolia, Austrlia at Kazakhstan.

 

Read more...