DOTr: Kumuha ng ‘Free Student Ride ID’ umabot na ng 46,096

Umabot na ng 46,096 na mga estudyante ang kumuha ng Free Student Ride ID sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) base sa pinagkabagong datos na inilabas ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, mga mag-aaral mula pre-school hanggang kolehiyo kasama na ang mula sa mga trade/vocational school, ang nag-benepisyo sa nasabing programa.

Iniuulit ni Tugade na hanggang ngayon ay maaari pa ring kumuha ng Free Student Ride ID at bukas it sa lahat na mga mag-aaral.

Aniya ang nais mag-apply ng Free Student Ride ID ay magdala lang school ID, filled-up registration form, at 2×2 ID picture sa mga Malasakit Help Desks na makikita sa MRT-3 stations o bisitahin ang kanilang website.

Sabi naman ni Tugade hindi kasama dito ang mga estudyanteng kumukuha ng graduate studies.

Maliban sa MRT-3, kaasama rin sa Free Student Ride ang Light Rail Transit – 1 (LRT-1), LRT-2, at Philippine National Railway (PNR).

Naging epektibo ang libreng sakay ng mga estudyante sa MRT 3, LRT 1 at 2 at PNR noong July 1.

 

 

 

Read more...