Pinaalalahanan ng Metro Manila Development Authority ang mga lokal na opisyal sa Metro Manila sa polisiya ukol sa pagtatalaga ng common fireworks display zones sa kani-kanilang lugar.
Ito ay para mabawasan ang bilang ng mga biktima ng mga paputok.
Nauna nang nagpasa ang Metro Manila Council ng resolution kung saan pinansin ng konseho na nitong mga nakalipas na taon consistent ang Metro Manila sa pagiging number 1 sa bilang ng mga firecracker related emergencies.
Mababasa sa isang pahina ng resolusyon ang pagpuna sa pataas na bilang ng mga biktima ng paputok sa Kalakhang Maynila sa mga nakalipas na pagsalubong sa Bagong Taon.
Noong nakaraang taon ang Lungsod ng Maynila ang may pinakamaraming bilang ng biktima ng paputok sa 180 at pumangalawa sa Quezon City kung saan umabot sa 124 ang naitalang biktima.
Pinansin din ng konseho na karamihan sa mga biktima ay gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok gaya ng Pla pla at Piccolo.