Paalala ng Palasyo, special non-working day ngayon

palaceIpinaalala ng Malacañang na ngayong araw, December 31, bisperas ng Bagong Taon at huling araw ng 2015 ay isang special non-working day.

Ibig sabihin nito, ang kwentahan ng sahod ng lahat ng pumasok o papasok ngayon sa kanilang trabaho ay daily rate x 1.3.

Samantala ang mga papasok at mag-oovertime pa ay makakatanggap ng daily rate x 1.3 plus hourly rate times oras na sobra sa regular na oras mo times 1.68.

Ang mga day off pero papasok ngayon ay makakatanggap ng kanilang daily rate times 1.5.

At ang mga mag-oovertime sa kanilang rest day ngayong araw naman ay makakatanggap ng daily rate time 1.5 plus hourly rate times sobrang oras times 1.95.

Samantala ang mga hindi papasok o walang pasok siyempre wala ring matatanggap dahil no work no pay.

Read more...