PDEA personnel isinalang sa surprise drug test

Inquirer file photo

Nagsagawa ng surprise mandatory drug test ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong araw sa kanilang mismong Headquarters sa Quezon City.

Pinanguhan ang nasabing aktibidad ni PDEA Director General Aaron N. Aquino, kasama rin si Director III Irish C Calaguas, Acting Deputy Director General for Administration at Chief-of-Staff.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron N. Aquino na ang nasabing surprise drug test ay pinangasiwaan ng PDEA Laboratory Service sa pamumuno ni Director III Derrick Arnold C Carreon.

Sabi ni Aquino na dahil sila ang pangunahing ahensya ng gobyerno na susugpo sa ipinagbabawal na droga kaya regular na silang magsasagawa ng drug testing sa mga PDEA officials, agents at personnel.

Idinagdag pa ng opisyal na responsibilidad nila na maipakita sa publiko na drug free ang kanilang ahensya at maging isang huwaran na ahensya ng gobyerno.

Read more...