Alex Compton nagbitiw bilang coach ng Alaska Aces

Inquirer file photo

Nagbitiw na si Alex Compton bilang head coach ng Alaska Aces.

Sa inilabas na pahayag ng Alaska, sinabi nito na nakalulungkot ang pag-alis ni Compton dahil sa matinding impact sa koponan.

Maalalahanin din anila si Compton sa mga manlalaro ng koponan sa loob man o labas ng basketball court.

Papalit naman kay Compton si Jeffrey Cariaso.

Naging Alaska icon si Cariaso simula pa noong naglalaro ito sa koponan.

Tumulong din si Cariaso sa nakamit na 1996 Grand Slam ng Aces.

Nagsilbi naman si Compton bilang head coach sa loob ng labing-limang conference sa PBA.

Read more...