Ayon sa tagapagsalita ng CHR na si Atty. Jacqueline Ann de Guia, isang menor-de-edad ang biktima ng umano’y panggagahasa ng isang keynote speaker at panelist sa katatapos pa lang na 26th Iligan National Writer’s Workshop.
Aniya nangyari ang umano’y pangagahasa habang ginagawa ang nasabing workshop na sponsored ng National Commission for Culture and Arts ng Mindanao State University-Iligan Institute of technology.
Tiniyak ni Atty. de Guia na magsasagawa rin sila ng imbestigasyon at makikipagugnayan din sila sa pamunuan ng MCWG dahil ang reklamong rape ay isang seryosong krimen na kailangan may maparusahan.
Umaasa naman si de Guia na makikipagtulungan din sa kanila ang lahat ng mga sangkot na mga tao sa nasabing workshop.