Sa datos ng Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.1 na lindol sa 3 kilometers Northeast ng bayan ng Wao, alas-12:36 Huwebes ng tanghali (August 22) at may lalim na 2 kilometers.
Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.9 na lindol sa 3 kilometers Northwest ng bayan pa rin ng Wao, alas-12:42 ng tanghali at may lalim na 1 kilometer.
Dahil dito, naramdaman ang intensity 2 sa Kalilangan, Bukidnon habang instrumental intensity 1 naman sa Cagayan de
Oro City.
Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar at wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
READ NEXT
LOOK: Ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez ipinakita sa media habang naglalakad sa compound ng Bilibid
MOST READ
LATEST STORIES