LOOK: Ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez ipinakita sa media habang naglalakad sa compound ng Bilibid

Naglabas ng larawan ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez ang Bureau of Corrections (BuCor).

Sa nasabing larawan makikitang naglalakad ang 73 anyos na si Sanchez katabi ang isa pang preso sa loob ng New Bilibid Prisons.

Pinayagan din ng BuCor ang mga photographer na makuhanan ng larawan si Sanchez mula sa view deck ng Bilibid.

Sa larawang kuha ng Philippine Daily Inquirer, makikitang naglalakad si Sanchez na nakasuot ng polo na orange at pants na gray at nakasapatos.

Ang pagpapakita kay Sanchez ay kasunod ng mga kumakalat na balita sa social media na ang alkalde ay napagkikita na sa kanilang bahay sa Calauan.

Pagtitiyak ni BuCor director general Nicanor Faeldon, nananatili sa maximum security compound ng Bilibid ang dating alkalde at hindi nakalalabas.

Read more...