Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na ang KAPA Ministry – ang ipinasa ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkakasangkot sa investment scam ang nasa likod ng pamamaslang kay Dizon noong Hulyo.
Matindi kasi aniya ang pangbabatikos ni Dizon sa KAPA.
Sinabi ng testigo na si Renato Sagonsillo na personal niyang nasaksihan ang pamamaril kay Dizon.
Sinabi naman ng isang suspek na naging state witneess na si Hilario Lapid na kasama siya sa nagplano sa pagpatay kay Dizon.
Itinutoro ni Lapid si Dante Tabosares alyas Bong Encarnacion, media coordiantor ng KAPA ministry North Cotabato bilang mastermind, si Jun Jacolbe na kanang-kamay ni Tabosares at ang gunman na si Junel Herozaga.
Pero ayon kay PTFOMS Undersecertary Joel Egco, hindi pa naaaresto ang mga suspek dahil wala pang inilalabas na warrant of arrest ang korte.
Pero bagamat hindi pa naresto ang mga suspek, sinabi ni Egco na maituturing nang case closed ang pagpatay kay Dizon dahil tukoy na ang mga suspek at nasampahan na ng kaso sa korte.