Russia nababahala na rin sa climate change ayon kay Pangulong Duterte

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nababahala na rin ang Russia sa climate change.

Ayon sa pangulo, sumentro sa climate change ang courtesy call sa kanya ni Ambassador of the Russian Federation to the Philippines Igor Khovaev.

Aminado ang pangulo na talagang nagbago na ang panahon kung kaya dapat na umaksyon ang bawat isa.

Ayon sa pangulo, hindi lang naman ang Russia at ang Pilipinas ang nababahala sa climate change kundi maging ang buong mundo.

Read more...