Kahulugan ng ‘Duterte’ sa Urban Dictionary binanatan ni Sen. Go

Kuha ni Fritz Sales
Dinipensahan ni Senator Christopher Go si Pangulong Duterte sa depenisyon ng apelyido nito sa isang online dictionary.

Ayon kay Go hindi na niya dapat papatulan ang Urban Dictionary dahil batid naman ng sambayanan kung ano ang ginagawa ng pangulo.

Sinabi ni Go na baligtad ang utak ng sinumang may-akda ng diksyonaryo.

Sa Urban Dictionary ibinigay na kahulugan sa salitang ‘Duterte’ ay fake, corrupt, manloloko at masamang tao.

Diin ng senador sa nabasa niyang Filipino dictionary ang kahulugan ng Duterte ay tapat at sinsero.

Sinabi ni Go baligtad ang mga kahulugan ng mga salita sa Urban dictionary.

Read more...