Ayon sa obispo, hindi kailanman katanggap-tanggap ang paggawa ng masama sa lipunan lalo na ang paghahasik ng karahasan kaya’t mariin niyang kinokondena ang nangyaring pananambang.
Hinimok din ng obispo ang mga manananampalataya na ipagdasal na lamang na mahuli na ang salarin at magkaroon na ng justice ang mga biktima.
Ayon sa Provincial Police Office ng Laguna, nasugatan sa pananambang si Barangay Concepcion Kagawad Richard Galit nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sakay ng motorsiklo habang nasugatan naman sa kaliwang balikat si Fr. Emil Larano na nasa kabilang lane ng tambangan ang sasakyan ng kagawad.
Ayon kay Bishop Famadico, nasa mabuting kalagayan na ang Pari at kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan sa lalawigan.