Liam Hemsworth pormal nang naghain ng divorce sa singer na si Miley Cyrus

Matapos mapabalita ang kanilang paghihiwalay ay pormal nang naghain ng divorce ang aktor na si Liam Hemsworth sa kaniyang asawa na si Miley Cyrus.

Binanggit ni Hemsworth ang “irreconcilable differences” bilang dahilan sa paghahain niya ng divorce.

Nakasaad din sa inihaing dokumento sa korte na mayroon silang premarital agreement ni Cyrus.

Sina Hemsworth at Cyrus ay ikinasal noong December 23, 2018.

Matapos ianunsyo ng dalawa ang kanilang hiwalayan, nag-post si Hemsworth ng mensahe sa kaniyang Instagram.

Ayon sa aktor, mabuting kalusugan at kaligayahan lamang ang hiling niya para kay Cyrus.

Read more...