Water level ng Angat dam nadagdagan sa nakalipas na 24 na oras

Dahil sa mga naranasang pag-ulan kahapon nadagdagan ang water level ng Angat dam, Ipo dam at La Mesa dam.

Sa update ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, Aug. 22 ang water level sa Angat dam ay nasa 177.83 meters.

Ang Ipo dam naman ay nasa 100.65 meters ang water level at ang La Mesa dam naman ay nasa 76.71 meters ang antas ng tubig.

Nadagdagan din ang water level ng Binga, Pantabangan, at Magat.

Ang water level naman ng Ambuklao, San Roque, at Caliraya ay pawang nabawasan.

Read more...