Dwayne ‘The Rock’ Johnson itinanghal na highest-paid actor ng Forbes

Si Dwayne Johnson ang nanguna sa taunang listahan ng “World’s highes-paid actors” ng Forbes Magazine.

Ayon sa Forbes na tanyag sa pelikulang ‘Jumanji’ at ‘Fast and Furious’, si Johnson ay kumita ng $89.4 million mula June 2018 hanggang June 2019.

Kasama sa nasabing kita ang kaniyang sweldo at kitang $700,000 kada episode ng HBO series na “Ballers”.

Gayundin ang royalties sa kaniyang line of clothing, sapatos at headphones mula sa kumpanyang Under Armour.

Noong nakaraang taon ay pumangalawa lamang si Johnson mula sa aktor na si George Clooney.

Nasa number 2 sa listahan ngayong taon si Chris Hemsworth na may kitang $76.4 million at ikatlo naman ang kapwa niya aktor sa Avengers na si Robert Downey Jr., na ang kita ay $66 million.

1. Dwayne Johnson
Earnings: $89.4 million

2. Chris Hemsworth
Earnings: $76.4 million

3. Robert Downey Jr.
Earnings: $66 million

4. Akshay Kumar
Earnings: $65 million

5. Jackie Chan
Earnings: $58 million

6. Adam Sandler
Earnings: $57 million

6. Bradley Cooper
Earnings: $57 million

8. Chris Evans
Earnings: $43.5 million

9. Paul Rudd
Earnings: $41 million

10. Will Smith
Earnings: $35 million

Read more...