Apat na babae arestado sa buy-bust operation sa QC

Arestado ang apat na babae sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.

Tatlo sa mga naaresto ay pawang magkakaanak at nakatira sa iisang bahay.

Habang ang isa pang dinakip ay kapitbahay ng tatlo.

Ayon sa mga tauhan ng Quezon City Police District, nagawa ng kanilang poseur buyer na makapagtransaksyon para sa P4,000 halaga ng ilegal na droga sa mga suspek.

Mahaharap ang apat sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...