LOOK: Diocese of Malolos mainit na tinanggap ang kanilang bagong obispo

Credit: Celine Abacan

Dinagsa ng mga deboto ang Minor Basilica of Our Lady of Immaculate Conception sa Malolos, Bulacan para salubungin ang bagong obispo ng Diyosesis ng Malolos.

Iniluklok araw ng Miyerkules si Bishop Dennis Villarojo bilang ikalimang obispo ng diyosesis.

Isinagawa ang canonical installation ng bagong obispo sa pangunguna nina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Caccia.

Si Villarojo, 52 anyos ay nagsilbing auxiliary bishop ng Cebu mula taong 2015.

Pangungunahan na nito ngayon ang Diocese of Malolos na tahanan ng apat na milyong Katoliko sa buong lalawigan ng Bulacan at lungsod ng Valenzuela.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng bagong obispo na isang napakahalagang regalo ng Diocese of Malolos para sa kanya.

Bagong oportunidad umano ang pagiging pastol ng Diocese of Malolos para maipakita ang pagmamahal sa DIyos.

“You are God’s precious gift to me as I start my episcopal ministry here in Malolos. This is a new opportunity of expressing my love for Him by serving His people. I thank God for all of you my brother bishops, priests, the religious men and women, the laity of the Diocese of Malolos,” ani Villarojo.

Higit isang taon walang obispo ang diyosesis matapos ang pagpanaw ni Bishop Jose Oliveros noong May 2018.

Pansamantalang pinamunuan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang diyosesis bilang apostolic administrator.

 

Read more...