2 sundalo sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

Kinumpirma ng militar na sugatan ang dalawang sundalo sa pagsabog sa Rajah Buayan, Maguindanao Miyerkules ng hapon.

Ayon sa militar, nagsasagawa ang mga sundalo ng security operation nang sumabog ang isang improvised explosive device (IED).

Nasugatan si Private First Class Narciso B. Monreal sa binti at tiyan habang tinamaan sa braso si Sergeant Archie L. Dema-ala.

Dinala ang mga sundalo sa Camp Siongco Station Hospital.

Ayon kay 6th Infantry Division Commander Major General Diosdado Carreon, ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang responsble sa serye ng mga pagsabog sa Maguindanao.

Ito ay dahil sa pinaigting na operasyon ng militar laban sa mga terorista at masasamang loob.

 

Read more...