Duterte sa Western countries: ‘Huwag niyo kami gawing basurahan’

PHOTO COURTESY OF MCWMC

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bansang kanluranin na huwag gawing basurahan ang Pilipinas.

Sa talumpati sa pagpapasinaya ng solar power project sa Romblon Miyerkules ng gabi, iginiit ng pangulo na hindi dahil mas makapangyarihan at mayaman ang western countries ay dapat nang-aapi na ito ng ibang bansa.

“I’d like to say to the Western countries, do not make us a garbage dump. You know, you might be more powerful, more and more developed and rich. But your wealth does not translate into something like making other nations — ‘yung sa Bisaya ‘yung daog-daog. Ano ba ‘yung daog-daog sa Tagalog? Api-api,” babala ng pangulo.

Muling inalala ng presidente ang pagtatapon ng Canada at iba pang industriyalisadong bansa ng mga basura sa Pilipinas.

Magugunitang tone-toneladang Canadian waste na kinabibilangan ng household trash at maging ng mga gamit na diaper ang ipinadala noong 2013.

“We had that experience of Canada and the rest of the industrialized countries exporting their garbage in the guise of ‘yung magamit mo pa,” pag-alala ng presidente.

“Some industrial extras or waste even that can be of use to the — of use to us itong developing countries. Kaya ‘yung Canada nagpadala ng basura about so many years ago at ayaw kunin. Kaya sinabi ko, ‘P***** i** mo, ibubuhos ko ‘yan sa pantalan mo. Ayaw ninyong maniwala? Subukan ninyo,” dagdag ni Duterte.

Una rito, nagbabala ang pangulo ng giyera at pagbuhos ng mga basura sa kagaratan ng Canada kung hindi kukunin pabalik ang shipment.

Bukod sa Canada, nagpadala rin ang South Korea at Hong Kong ng tone-toneladang basura sa Pilipinas.

 

Read more...