Kris Aquino nag-sorry kay Mar Roxas

Screengrab of INQUIRER.net video

Humingi ng paumanhin ang actress-host na si Kris Aquio kay dating Senador Mar Roxas.

Ang paghingi ng sorry ay ginawa ni Aquino sa pag-alala sa 36th death anniversary ng kanyang ama na si dating Senador Ninoy Aquino.

Sa gitna ng event sa Manila Memorial Park sa Parañaque araw ng Miyerkules ay inimbitahan ni Kris si Roxas na samahan siya sa puntod ng kanyang ama.

“I just want to do it publicly. I’m sorry. I’m sorry for everything that happened. Nagselos ako because I felt Noy chose you over me. I hope we can let bygones be bygones,” ani Kris.

Sinabi pa ni Kris na magpakuha sila ng larawan ni Roxas para anya makita ng kanyang kuya na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nag-sorry din si Kris sa ina ng dating Interior Secretary na ninang niya sa binyag.

Tinanggap naman ni Roxas ang sorry sa kanya ni Kris at sa kanyang ina.

“No problem,” pahayag ng dating opisyal at humalik pa ito sa pisngi ni Kris.

Matatandaan na binatikos dati ni Kris ang umanoy paninisi ng kampo ni Roxas sa kanyang kuya Noy dahil sa pagkatalo nito sa 2016 presidential elections.

Read more...