Walang bagong polisiya ang MMDA para maibsan ang traffic sa EDSA

Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nauubusan na ito ng bagong polisiya na ipatutupad para maibsan ang traffic sa EDSA.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni MMDA EDSA traffic head Bong Nebrija, tali kasi ang kamay ng ahensya sa pagpapatupad ng bagong mga polisiya.

Dagdag ni Nebrija ilang beses din silang sumubok ng bagong traffic scheme pero ilang beses itong pinahinto.

Kabilang sa binanggit ni Nebrija ang High Occupancy Vehicle (HOV) na nagbabawal sa driver-only vehicles sa EDSA na pinahinto sa pamamagitan ng Senate resolution.

Habang ang pinlano nilang provincial bus ban ay pinahinto din sa pamamagitan ng inisyung restraining order ng korte.

Sa ngayon sinabi ni Nebrija na ang tanging ginagawa nila sa ngayon ay ipatupad ang mga kasalukuyang polisiya sa EDSA.

Sa huling linggo ng Agosto ay mayroong pulong ang Metro Manila Council.

Sa nasabing pulong sinabi ni Nebrija na hihintayin nila kung may mga bagobg ipapanukala na sistema.

Read more...