Lolo na sasailalim sana sa inquest proceeding, tumalon mula sa ikatlong palapag ng Manila City Hall

Tumalon ang isang 66-anyos na na lolo mula sa ikatlong palapag ng Prosecutor’s Office sa Manila City Hall, Miyerkules ng hapon

Ayon sa impormasyon na inilabas ng Manila Police District (MPD) at Public Information Office (PIO) ng Maynila, nakilala ang lolo na si Ricardo Reyes na suspek sa kasong rape dahil sa pangmomolestya sa isang bata.

Sasailalim sana sa inquest proceeding nang bigla umano itong tumalon at sinasabing nagpatiwakal bandang 2:45 ng hapon.

Dinala naman si Reyes sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival bandang 3:07 ng hapon.

Iniimbestigahan naman ng mga opisyal ng barangay at pulisya ang insidente.

Read more...