Sugatan ang dalawang pulis sa pamamaril sa Pio V. Corpuz, Masbate Miyerkules ng umaga.
Sa ulat ng Bicol police, nakaengkwentro ng ilang pulis ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa bahagi ng Barangay Alegria dakong 8:45 ng umaga.
Naunang rumesponde ang mga pulis sa isang insidente ng pamamaril nang biglang matamaan ng kanilang patrol car ang umano’y itinanim na improvised explosive device ng rebeldeng grupo.
Nasundan pa ito ng palitan ng putok ng baril sa pagitan ng pulisya at rebeldeng group.
Dito na nagtamo ng tama ng baril ang dalawang patrolman na sina Dexter Navarro at Jamerick Manongsong.
Agad namang nakatakas ang mga rebelde.
MOST READ
LATEST STORIES