Halos P400M bonus para sa nga magsasaka ng asukal, hindi pa rin naipamimigay

Hindi pa rin naipapamahagi ang kabuuang P412,838,799.55 na cash bonus para sa mga magsasaka ng asukal hanggang 2018, ayon sa Commission on Audit (COA).

Ayon sa COA, isa sa mga rason kung bakit hindi naibigay ang pera sa mga magsasaka dahil sa kakulangan ng pag-aanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa benepisyo nito.

Batay sa taunang ulat ng COA, ang Cash Bonus Fund o CBF mula 1991 hanggang 2018 ay lumobo sa P528,082,529.14.

P313,498,886.14 sa pondo ay na-forfeit at napunta lamang sa socio-economic project.

Pinayuhan naman ng COA ang DOLE na i-remit ang mga hindi naipamigay na CBF at asikasuhin ang mga dapat ipataw na kaso sa mga lalabag sa Republic Act no. 6982 o Sugar Amelioration Act of 1999.

Read more...