DILG suportado sa pag-amyenda sa batas sa Human Security Act

Sang-ayon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa panukalang amyendahan ang batas na Human Security Act (HSA) of 2007.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, makakatulong ito para masiguro ang kaligatasan ng mga Filipino at kapayapaan sa buong bansa.

Partikular na dapat baguhin sa batas aniya ay ang probisyon sa wiretapping at detention period.

Ang pagresolba at paglaban kontra terorismo ay may malaking pagkakaiba sa mga ordinaryong krimen na nangyayari araw-araw.

Sabi pa nito na ang pag-iimbestiga sa isang terrorist group o indibidwal ay talagang mabusisi at matagal, kaya ang pagpapalawig ng wiretapping at detention period ay napakahalaga para labanan ang terorista sa Pilipinas.

Dagdag pa nito na ang mga terorista ay walang sinasanto at hindi iniisip kung ilan ang madadamay kaya naman kailangan tiyakin na handa ang pamahalaan na protektahan ang mga mamamayan.

Read more...