Panelo, natuwa sa napipintong paglaya ni dating Mayor Sanchez

Hindi naiwasan ni Presidential spokesman Salvador Panelo na matuwa sa napipintong paglaya ni convicted rapist, murderer at dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Panelo, sinumang nag-aabogado ay natutuwa kapag nakalalaya ang kanilang kliyente.

Sinabi pa ni Panelo na matapos ang 27 taon, magkakaroon na ng bagong buhay si sanchez.

Matatandaan na noong 2010 sa eksklusibong interview ng Radyo Inquirer sa loob ng maximum compound sa new bilibid prison, sinabi nito na sakaling makalaya siya, balak niyang bumalik sa pulitika o di kaya ay magbakasyon kasama ang kanyang pamilya sa Israel para sa isang pilgrimage.

Read more...