Mga lumang paper bills hanggang December 31 na lang puwedeng gamitin

OLD BANKNOTE
Photo by: BSP

Hanggang ngayong araw na lang December 31 o huling araw ng taong 2015 puwedeng gamitin ang mga lumang perang papel.

Pagpasok ng bagong taon na 2016 ay hindi na puwedeng gamitin sa transaksyon o ibayad ang mga lumang paper bills.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, maaaring magpapalit ng mga bagong perang papel sa mga authorized banks o sa labingsiyam na branch at tatlong regional offices ng BSP sa buong bansa.

Pero hanggang taong 2016 din lamang puwedeng palitan ng bago ang mga pera na may lumang disenyo o iyong tinatawag na the new design series.

Papalitan ang mga ito ng mga bagong perang papel o ang tinatawag na the new generation currency series.

Simula sa January 1, 2017 ay tuluyan nang mawawalan ng halaga ang mga lumang perang papel at hindi na mapapalitan ang mga ito.

Samantala, may payo si BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo sa mga nagtatago pa rin ng mga lumang perang papel.

Para sa mga Overseas Filipino Workers o OFW, naglagay ang BSP ng online facility kung saan pwedeng sabihin kung magkano ang gusto nilang ipapalit na lumang pera at denominasyon ng mga ito. Pagka-register online ay may isang taon ang OFW para papalitan ang lumang pera.

Sa mga kaso na gumagamit ng perang papel bilang ebidensya, dapat lang mag-rehistro sa BSP na hindi na papalitan ang lumang pera dahil para ito sa litigation purpose. Pero kailangang malaman ng BSP na bahagi ito ng kaso para puwede itong palitan kahit matapos ang 2016.

Read more...