LOOK: Gwen Zamora, isinilang na ang kaniyang unang anak

Isinilang na ng aktres na si Gwen Zamora ang kanilang unang anak ng fiance na si David Semerad.

Sa kanilang Instagram account, inanunsiyo ng dalawa ang pagkasilang kay Baby Cooper.

Ani Gwen, dumaan siya sa 19 oras na labor at sumailalim sa emergency Caesarean section.

Nagpasalamat ang aktres sa Panginoon para sa pagdating ng aniya’y “little bundle of joy.”

Bumuhos naman ang pagbati ng mga kaibigan at tagahanga para sa panibagong blessing sa kanilang buhay.

Matatandaang inanunsiyo nina Gwen at David ang pagbubuntis noong buwan ng Abril.

Read more...