Motorcycle rider, patay matapos mabangga sa Quezon

Dead-on-arrival nang itakbo sa ospital ang isang motorcycle rider matapos mabangga sa Tagkawayan, Quezon Miyerkules ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng Tagkawayan police, nabangga ng isang van ang biktimang si Mario Hernandez, 46-anyos na magsasaka, habang binabagtas ang Quirino Highway sa Barangay San Francisco bandang 12:45 ng madaling-araw.

Lumipat umano sa kabilang lane ang biktima dahilan para aksidenteng mabangga ng van driver na si Aryjay Papa.

Ayon pa sa pulisya, walang driver’s license ang biktima.

Dinala pa ang biktima sa Maria L. Eleazar Memorial District Hospital ngunit nasawi rin kalaunan.

Read more...