Ang Sony ang nagmamay-ari sa movie rights ng Spider-Man.
Nagsimula lang maging bahagi ng Marvel ang karakter matapos ang kasunduan ng Sony at Marvel noong 2015 sa pagco-produce at paghati ng kita sa pelikula.
Pero hindi nagkaroon ng magandang pagtatapos ang kasunduan at partnership ng Disney at ng Sony sa isyu ng pinansyal para sa mga susunod pang Spider-Man movies.
Dahil dito, pinangangmbahang mawawala na si Spider-Man sa mga susunod na Marvel films.
Sa ulat ng “Deadline”, nais ng Disney ang mas malaking bahagi sa kita ng mga susunod na Spider-Man movies pero tumanggi rito ang Sony.
MOST READ
LATEST STORIES