Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, ito kasi ang naging marching order ni Pangulong Duterte.
Sa ngayon, sinabi ni Nograles na 70 percent nang tapos ang pabahay para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Region 6.
May ilang munisipyo kasi aniya ang nagkaka problema sa pagsasagaw ang housing units pero ito ay inaayos na ng NHA.
May mga housing units aniya ang wala pang tubig at kuryente.
Ayon kay Nograles, target ni Pangulong Rodrigo Duterte na 100 percent nang matapos ang pabahay sa Region 6 bago matapos ang taong 2019.
Una nang nabatikos ang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa mabagal na rehabilitasyon at pabahay sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda kung saan naging sentro ang Leyte.